BIR pinalawig sa Sept. 30 ang online sellers registration

QUEZON CITY– Muling pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline para sa business registration ng mga nasa online selling business.

Ayon sa bagong Revenue Memorandum Circular ng BIR, itinakada muli hanggang sa September 30, 2020 ang pagpaparehistro ng mga online businesses.

Nauna rito ay nagbabala ang BIR sa mga negosyante gamit ang online platforms na sumunod sa registration at mag-update ng kanilang mga requirements upang hindi sila mapatawan ng kaukulang
penalties sa ilalim ng umiiral na revenue rules and regulations.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 5,650 online vendors ang nakapagparehistro para sa tax purposes mula June hanggang August 2020.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews