Bataan patuloy sa paghahanda sa pasukan sa Oktubre 5

BALANGA CITY – Nagpapatuloy sa paghahanda ang lalawigan ng Bataan sa darating na pasukan sa Oktubre 5, 2020 gamit ang hybrid o blended learning systems, maging ito man ay online o modular approach.

Ito ang tiniyak ni Bataan Governor Abet Garcia sa ginanap na pulong balitaan sa The Bunker at the Capitol nitong nagdaang Biernes.

Aniya, bunsod ng Covid-19 pandemic ay pinag-aralan maigi ng Department of Education katuwang ang mga LGUs ang magiging sistema ng pag-aaral ng mga estudyante.

Bagamat may mga suhestiyon na gamitin ang distance learning gamit ang mga gadgets kagaya ng laptops at tablets ay isang malaking hamon ayon sa Gobernador ang pagiging hindi pa fully improved ng internet signals sa maraming lugar sa Probinsiya.

Isang malaking hakbang aniya na ginawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at Bataan IATF ay ang pagpasa ng resolusyon para mapabilis ang facilitations ng permits ng mga telecoms companies para sa pagtatayo ng mga celsites sa Bataan para sa mabilis na internet speed na gagamitin sa blended learning, health response sa panahon ng pandemya, at sa iba pang aspeto sa public service.

“Based on those premise sa series of meetings natin with DepEd kasama si Cong. Joet, talagang sa modular pa rin tayo mapupunta, pandagdag na lang yung online pati offline,” pahayag ni Gob. Garcia.

May ilang bayan sa Bataan na bumili o namahagi ng laptops sa mga guro at tablets para sa mga estudyante subalit patuloy pa aniya ang pagdevelop ng mga platforms na gagamitin para sa online or distance learning approach.

Sa modular education approach naman, gamit ang mga printed materials na ipamamahagi sa mga estudyante, naglaan ng malaking pondo mula sa real property taxes, ang provincial government para sa pagbili ng mga “sophisticated printers.”

“Imbes na centralized printing…bibigyan natin ang mga paaralan ng mga printers kagaya ng Risographs para yung mga prescribed curriculum na na-compressed ng DepEd at kung anuman ang mga gusto pa nilang idagdag in context, dun sa kanilang barangay o nasasakupan, at maimplement ng mga teachers yung modular education,” dagdag pa ng Gobernador.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews