Mangingisda, nasagip ng Bataan Maritime Police

Nailigtas sa tiyak na kamatayan bunsod ng pagkalunod ang isang 35 anyos na mangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan pasado alas kuatro kahapon.

Sa ulat mula kay Police Major Manuel M. Magat, hepe ng Bataan Maritime Police, kinilala ang biktimang si Sison Campaña, residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay Major Magat nadulas sa batuhan ang biktima at mabilis na lumubog sa dagat at dahil sa mabilis na pagresponde ng kanyang mga tauhan na sina PLt. Honorio Jacobo, PSSg Jimmy Lydiawan at Pat. Jojie
Belmes ay kaagad na nasagip ang biktima.

“Narevive siya ng tauhan ko na isang nurse na si Pat. Kevin Peralta,” pahayag ni Major Magat via Messenger.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews