African Swine Fever, nananatiling problema sa bansa – DOST

Nanatiling problema ng bansa ang African Swine Fever o ASF kahit halos isang taon nang ipinatutupad ang ibat-ibang interbensyon na ang Department of Agriculture.

Ito ang ipinahayag nitong Mierkoles ng Department of Science and Technology o DOST.

Nakatakdang subukan ng DOST sa mga susunod na araw ang nadevelop na ASF diagnostic kit upang alisin ang banta ng naturang sakit sa mga babuyan.

Ang ASF diagnostic kit ay gagamitin sa isang wide-scale verification trial.

Ang testing nito ay pangunguhanan ng DOST – Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development, Central Luzon State University (CLSU) at ng Bureau of Agricultural Industry (BAI).

Layon ng wide-scale verification trial na masubukan kung epektibo ang ASF quick diagnostic kit.

Ito ay nano gold loop mediated thermal amplification o isang quick test kit na dinevelop ng Central Luzon State University at BAI para ma-detect ang strain ng ASF.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews