BALANGA CITY – Lumampas na sa dalawang libo ang kaso ng COVID-19 sa Bataan. Ito ay matapos magpositibo ang panibagong 84 cases kaya’t umakyat na ito sa 2002 kung saan 882 dito ay pawang active cases.
Ito ang lumabas sa report ng Bataan Provincial Health Office kung saan naitala naman sa 79 ang panibagong kaso ng mga gumaling kaya tumaas na ang recovered cases sa 1,090.
Nasa 30 naman ang bilang ng mga pumanaw na habang 209 ang mga bagong nagnegatibo sa test, habang nasa 460 ang pending o naghihintay pa ng resulta.