Isinugod sa ospital ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem criminals.
Sa inisyal na ulat, naganap ang krimen sa Barangay Talimundoc, Orani, Bataan pasado alas siyete ng gabi ngayong Hueves habang kausap ng biktima ang asawa niya na nasa Saudi Arabia via video call.
Kinilala ni Orani Police chief, Police Major Joey Sampaga, ang biktima na si Paulo Ocampo, 40 anyos, may-asawa at residente ng naturang Lugar.
Ayon sa isang kaanak, isinugod ito sa Orani District Hospital kung saan ito binawian ng buhay.
Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan nito.
Kasalukuyan ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa motibo sa pagpaslang.