Nabangga ng isang Toyota Vios (NBQ 2577) kagabi ang Km. 61 Death March Marker sa McArthur Highway, Mabuco, Hermosa, Bataan.
Ayon sa ulat mula sa Hermosa PNP, iniwasan umano ng driver ng kotse na si Mark Anthony Bringas, 32, MPBL professional basketball player, ang isang nag-overtake na motorsiklo kaya’t nakabig niya ang manibela pakanan saka sumalpok sa nabanggit na historical marker.
Nangyari ang insidente ganap na 8:40 ng gabi nitong Sabado habang bumubuhos ang bahagyang lakas ng ulan.
Ligtas naman si Bringas na kabilang sa Basilan Team ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).