11 anyos patay sa pagkalunod sa Bataan

Patay na nang matagpuan ang isang 11 anyos na binatilyo makaraang malunod sa isang Mini Dam sa Phase 3 Masapsap, Brgy. Bayan, Orani, Bataan.

Sa ulat mula kay Police Major Joey Sampaga, hepe ng Orani MPS, kinilala ang biktimang si Jared Lawrence Dabu, nakatira sa Sitio Alikabok, Brgy. Bayan, Orani, Bataan.

Sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente 4:30 ng hapon nitong Martes (Oct. 27) nang magkaayaan umano ang biktima, kapatid nito at 4 na mga kaibigan nito na magswimming sa lugar.

Nagdive umano ang biktima at hindi na muling nakitang umahon pa.

Sa isinagawang search and rescue operation sa tulong ng Philippine Coast Guard ay nakuha ang wala nang buhay na katawan ng biktima nitong Mierkoles ganap na alas nueve ng umaga, Oktubre 28, 2020.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews