BALANGA CITY – Bataan Coastal Waters Negatibo na sa Red Tide Toxin!
Ito ang latest report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Base sa BFAR Shellfish Advisory No. 49 Series of 2020 na may petsang December 22, 2020, nagnegatibo na sa Paralytic Shellfish Poison o PSP ng tatlong beses ang karagatang sakop ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, City of Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal.
Tinitiyak ng BFAR advisory na ito na LIGTAS na ang pagkain ng mga shellfish kagaya ng tahong, talaba, halaan, atbp. at papayagan na rin ang paghango at pagbebenta nito.