12 libong reams ng bond papers ipinamahagi sa mga guro sa Hermosa

Bilang karagdagang tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, personal na ibinahagi ni Mayor Jopet Inton ang labindalawang libong reams o pakete ng bond papers para sa mga guro sa bayan ng Hermosa, Bataan.

Ayon kay Mayor Inton, layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga guro at mga estudyante lalo na sa mga basic learning materials kagaya ng pag iimprenta ng self-learning modules at worksheets. 

Kasama sa distribusyon sina Ginoong Ronnie Mendoza, Department of Education (DepEd Hermosa) District Supervisor, at mga school principals ng bayan ng Hermosa.

Dahil sa Covid-19 pandemic, nagsagawa ang DepEd ng alternatibong paraan para maituloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante.

Ito ay tinatawag na blended learning o pag-aaral na sa pamamagitan ng online class at modular learning bilang alternatibo sa face to face classroom teaching.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews