Bahagi ng P100M COVID-19 Fund ng SJDM, ipambibili ng Bakuna

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — May paghuhugutang pambili ng bakuna laban sa COVID-19 ang pamahalaang lungsod ng San Jose Del Monte.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Arthur Robes na magmumula ito sa bahagi ng 100 milyong pisong pondo para sa iba’t ibang hakbangin ng pamahalaang lungsod upang patuloy na labanan ang nasabing sakit. 

Tinatayang nasa 50 libong doses ang planong bilhin upang mabakunahan ang mga prayoridad na sektor sa 1.2 milyong populasyon ng San Jose Del Monte habang ang kapupunan ay magmumula sa mga bibilhing bakuna ng pamahalaang nasyonal.

Ipinaliwanag ni Robes na ang halagang 100 milyong pisong pondo ay nakapaloob sa 2.4 bilyong pisong 2021 badyet ng lungsod.

Target aniya na dumating ang mga bakuna ngayong Marso at agad na sisimulan ang aktwal na pagbabakuna. 

Kasalukuyang nasa estado ng negosasyon ang pamahalaang lungsod sa iba’t ibang suplayer ng bakuna.

Bukod sa mga edad 18 pataas ang nakatakdang bakunahan, prayoridad ang mga senior citizen, mga kawani ng pamahalaang lungsod at mga frontliners gaya ng kapulisan, doktor, nars, Lingkod Lingap sa Nayon, Barangay Health Workers, at mga kawani at opisyal ng barangay. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews