Pinangunahan ngayong Biernes nila Bataan Governor Abet Garcia, Bataan Representatives Geraldine Roman ng 1st District, Jose Enrique Garcia III ng 2nd District at Pilar Mayor Carlos “Charlie” Pizarro Jr. ang komemorasyon ng ika-79th Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat Shrine (Dambana ng Kagitingan), Brgy. Diwa, Pilar, Bataan.
Ang selebrasyon ngayon ay may temang, “Kagitingan ay Gawing Gabay, Pandemya ay Mapagtagumpayan.”
Ang tradisyunal na wreath laying ceremony na pagbibigay pugay sa mga bayani ng World War II, na karaniwang pinangunguhan ng Pangulo ng bansa at embahador ng Japan at Estados Unidos, ay ginampanan ng mga nabanggit na local officials ng Bataan sa pamamagitan ng isang pre-taped ceremony at ipinalabas ngayon sa official Facebook News Page ng 1Bataan, ang offical social media outlet ng Provincial Government of Bataan.
Pinangasiwaan ito ng National Historical Commission of the Philippines, sa pakikipagtulungan sa Local Government ng Bataan at Armed Forces of the Philippines.
Dahil sa Covid-19 pandemic ay ipinagbawal muna ang pagdagsa ng mga tao rito na nakikiisa sa taunang selebrasyon tuwing Abril 9.