SK ng SJDM, patuloy sa pagtulong ngayong pandemya

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — Patuloy sa pagtulong ngayong pandemya ang Sangguniang Kabataan o SK Federation ng lungsod ng San Jose del Monte.

Sa panayam sa programang Network Briefing News, sinabi ni SK Federation President Ronalyn Pordan na katuwang ang iba’t-ibang youth serving organizations at pederasyon ng Student Supreme Government ay patuloy ang kanilang ginagawang online youth profiling para sa lahat ng miyembro ng kabataan ng lungsod.

Tuloy-tuloy din anya ang kanilang pamamahagi ng scholarship o education assistance sa mga estudyante na naapektuhan ng pandemya.

Sa susunod na linggo ay nakatakda ang grupo ng isang mural painting na tribute para sa mga bayani ng pandemya.

May inilaan din silang 1,800 kits para sa may kaparehong bilang ng youth essential workers.

Samantala, nagiging katuwang ang mga kabataan upang makumbinsi ang kani-kanilang pamilya na magpabakuna. 

Malaking tulong anya din ang social media upang mas madaling ma-inform sa progreso ng pagbabakuna ng pamahalaang nasyonal at lokal gayundin matugunan ang kakulangan sa impormasyon ukol sa benepisyo at bakit kailangan magpabakuna.

Tinugunan rin ng grupo ang paglaban sa misinformation at disinformation sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga educational materials sa bawat barangay at pagpost nito sa mga social media platforms. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews