Kamakailan ay nilagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, DENR Bataan at Hermosa Water District para sa nursery at bamboo plantation establishment sa Hermosa, Bataan.
Kasama sa ginanap na MOA signing ni Hermosa Mayor Jopet Inton sina Jesus V. De Luna Municipal ENRO ng Hermosa, Bataan na pumirma sa isang kasunduan sa pagitan ng DENR-Bataan, LGU Hermosa at Hermosa Water District.
Ang paglagda sa MOA na ito ay pinangunahan ni DENR-Bataan PENR Officer, Raul H. Mamac, Hermosa Water District General Manager Gideon S. De Leon.
Layunin ng Bambusetum Project na ito, ayon sa DENR, ang pagpapahusay sa kapaligiran na magdaragdag din ng proteksyon sa Manila Bay.
Ang iba`t ibang uri ng bamboo ay itinanim sa nasabing lugar na pag-gagawan ng proyektong ito sa ecological park.
“Ang proyektong ito ay naisagawa at naisakatuparan sa pakikipag tulungan ng Mayor’s office, DENR Bataan, Hermosa Water District at LGU Hermosa ay naglalayong protektahan at mapanatili ang kapaligiran sa pamamagitan ng kapaki-pakinabang na proyektong ito,” ayon pa kay Mayor Inton.