Namahagi nitong Martes ng tulong si Sen. Bong Go sa unang batch ng 7,492 displaced workers ng Freeport Area Bataan na naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa Mariveles, Bataan.
Nakatanggap ang first batch na mga benepisyaryo ng grocery packs, face masks, face shields, at vitamins habang ang ilan naman ay nabigyan ng sapatos, computer tablets, at bisikleta mula kay Sen. Bong Go.
Katuwang ng Senador ang DSWD, DOH, DA at DTI para magbigay ng hiwalay na assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo pati na ang pamunuan ng Authority of the Freeport Area of Bataan sa pamumuno ni Administrator Emmanuel Pineda, Bataan Governor Abet Garcia at Bataan 2nd District Rep. Joet Garcia.
Dumalo rin dito para saksihan ang tulong na ito mula sa national government sila Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, Mariveles Mayor Jocelyn Castañeda, Hermosa Mayor Jopet Inton, Mariveles Vice Mayor Lito Rubia, Abucay Vice Mayor Robin Tagle at Dinalupihan Mayor and LMP-Bataan Chapter President, Gila Garcia.
Ayon kay Sen. Go, alam ng pamahalaan ang pinagdadaanan ng kanyang mga kababayan sa panahong ito, kaya naman handa aniya siyang tumulong sa kapwa niya Pilipino.
Nakiusap din ang senador na ituloy lang ang pagsunod sa mga health protocols habang tinutupad ang vaccination program ng bansa upang manatiling ligtas ang bawat komunidad.