Nasa 2,550 bags ng certified seeds ang ipapamahagi sa mga magsasaka sa bayan ng San Felipe sa Zambales.
Ito ay mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund ng Department of Agriculture o DA.
Ayon kay Municipal Agriculturist Manuel Espiritu, may 1,940 bags ng certified seeds na ang kanilang naipamahagi sa may 506 magsasaka sa barangay Amagna, Apostol, Balincaguing, FaraƱal, Feria, Maloma, Manglicmot, Rosete, at Sindol. May bigat na 20 kilo ang kada isang sako.
Ang mga naturang benepisyaryo ay rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture ng DA.
Ani Espiritu, layunin nito na matulungan ang mga magsasaka upang mapalago ang kanilang kita.
Samantala, kasalukuyan namang ipinapamahagi ng Municipal Agriculture Office ang natitirang 610 sako ng libreng binhi. (CJLD/RGP-PIA 3)