Sa kabila ng ilang beses na kanselasyon dulot ng travel restrictions, nasa 94 siklista ang nakumpleto ang 365-kilometer goal kung saan natapos at natawid nila ang finish line ng LAKBIKE NA! 365 Cycle, isang virtual sports event na inilunsad ng NLEX Corporation.
Ang mga nagsilahok na riders ay binigyan ng higit isang buwan para makumpleto ang 365 km distance gamit ang NLEX’s app partner “Stampede: Races.”
Ang nasabing virtual sports event ay nagsimula ng Marso 16 at ang lahat ng participants ay natapos ang karera nito lamang Mayo 22, 2021 kung saan tumanggap ang bawat nakatapos na siklista ng medalya at race kit kabilang ang Lakbike merchandise.
Ito ay nilahukan ng mga cyclists mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi L. Bautista, “though faced with different challenges throughout the race such as the implementation of enhanced community quarantine and intense summer heat, the participants showed resilience and were unfazed by such obstacles. We are pleased that we have achieved our objective of advancing healthier lifestyle and enabling our bikers to explore the outdoors while following the safety protocols set by their respective local government units.”
Ang naturang event ay magbibigay ng motivation sa pangkalahatan na nais mapanatili ang kanilang physical fitness sa gitna ng pagsubok na kinahaharap dulot ng COVID-19 pandemic.
Pahayag naman ng ilan sa mga lumahok, ito umano ay isang magandang paraan para maibsan ang kanilang stress at makatutulong din para ma-maintain ang healthy lifestyle.
“It’s an opportunity to travel to different scenic places, giving us a way to release our stress and keep our healthy way of living not just us but also to our nature using our bike to reduce pollution. It also promotes tourism spots in our country. ” ayon kay Raymond Torio, isa sa mga Lakbike finishers at bahagi ng national team athlete. “Through LAKBIKE NA! 365 Cycle, I was able to appreciate what my local community has to offer and meet new cycling buddies & friends along the way. This journey tested not only my endurance but taught me that it’s not how fast I finish the program, but how I appreciate every kilometer of the journey. “ dagdag naman ni Jenny Chico, participant.