Kaso ng COVID-19 sa Bulacan, patuloy na bumababa

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Bulacan.

Inilahad ni Provincial Task Force on COVID-19 Response Cluster Head Hjordis Marushka Celis na 1,510 na lamang sa 37,997 kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang aktibo o katumbas ng apat na posyento.

Umabot naman sa 35,666 o 94% ang gumaling na habang 821 o 2% ang nasawi.

Nagpaabot ng pasasalamat si Governor Daniel Fernando sa mga health worker at frontliners dahil napanatili ang pagbaba ng bilang nga mga kaso.

Nanawagan din ang gobernador sa mga pamahalaang bayan at lungsod sa lalawigan na mag-ukol ng mas maraming vaccination sites, magpatupad ng sistematikong master listing at karagdagang tagapagbakuna upang lalong mapabilis ang vaccination roll-out at makamit at herd immunity bago mag Pasko.

Sa datos nitong Hunyo 16, nakapagturok na ang lalawigan ng kabuuang 208,195 doses ng bakuna laban sa COVID-19, 161,607 para sa unang dose at 46,588 para sa ikalawang dose. (CLJD/VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews