Bulacan inilunsad ang accelerated mobile COVID-19 mass inoculation program

Sinimulan na ng  Provincial Government of Bulacan katuwang ang Provincial Health Office (PHO) ang mobile vaccination program laban COVID-19 sa mga rural communities sa lalawigan kung saan 200 recipents ang tumanggap ng bakuna.

Ginanap ang mass inoculation sa covered court ong Ylang-Ylang Homes Phase 2 sa Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan nitong Biyernes.

Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Provincial Health Officer II and Cluster Head of the Response Operations Cluster, pawang mga nasa priority list ang mga benepisyaryo karamihan sa mga ito ay senior citizen na nabakunahan sa nasabing vaccine roll out.

Nabatid na ang mga senior citizen at iba pang may sakit na hindi kayang makapunta sa mga itinalagang vaccination sites sa mga lungsod at munisipalidad partikular na mula sa mga remote at rural areas ang binakunahan.

“ We are trying our best effort and reach out for them as part of our accelerated Covid-19 mass vaccination roll out program. We will bring it down to the barangays to assure that every Bulakenyos will be inoculated and safe against this dreaded virus,” ayon kay Governor Daniel Fernando.

Tiniyak din ng gobernador na sa pamamagitan ng naturang accelerated vaccine roll out, ang pamahalaang panlalawigan ay pipiliting mbakunahan ang  70% na populasyon dito bago matapos ang taon para na rin ma-achieve ang herd immunity alinsunod sa derektiba ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

“Kahit 50% lang ng aming populasyon ay mabakunahan pwede na rin para naman maging merry ang Christmas natin sa taong ito,” ani Fernando.

Nabatid na mula sa 300,000 senior citizens sa Bulacan ay nasa mahigit 91,000 na ang nabakunahan laban sa Covid-19 kung saan 16,000 dito ay fully vaccinated na o nakumpleto na ang second dose ayon sa latest report ng Provincial Health Office and Provincial Task Force against COVID-19.

Base sa datos, as of first week ng buwan ng Hulyo, mahigit 200,000 Bulakenyo na ang nakatanggap ng first dose habang halos nasa 55,000 na rito ang nakatanggap na ng second dose.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews