P2.8M marijuana kumpiskado sa Bulacan

Camp General Alejo S Santos, City of Malolos — TINATAYANG aabot sa P2.8 million halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska sa isang buy bust operation kung saan dalawang suspek ang arestado kabilang ang isang menor-de-edad sa Barangay Panasahan, City of Malolos, Bulacan nitong Sabado.

Kinilala ni PCol. Rommel Ochave, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP ang suspek na si John Archie Sabado, 32 anyos at residente ng Bongabon, Nueva Ecija; at isang 17 anyos na menor-de-edad na residente naman ng San Andres, Cainta, Rizal.Ang nasabing drug entrapment ay isinagawa ng  mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Malolos City Police Station (CPS) sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol. Christopher Leano na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.Ang dalawang arestado ay inaresto sa aktong nagbebenta ng nasabing droga sa mga operatiba na nagpanggap na mga poseur buyer.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang 20 bricks ng hinihinalang mga pinatuyong dahon ng marijuana na mayroong Dangerous Drug Board (DDB) value na P2.8-million.Inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa sa mga suspek kung saan ang nasabing menor-de-edad naman ay ililipat sa Malolos City Social Welfare and Development Office.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews