Bahay Partylist inaayos ang pabahay para sa maralitang Pilipino

Patuloy na isusulong ng Bahay Party-list Para sa Pamilyang Pilipino ang mga batas na tutulong sa mga maralita na wala pang sariling tahanan upang sila ay makapag-ari ng sarili nilang tirahan mula sa tulong ng pamahalaan. 

Sa pangalawang termino ni Bahay Party-list Rep. Atty. Naealla Bainto Aguinaldo, sisiguraduhin nitong ang mga mahihirap na Pilipino na wala pang disenteng bahay ay mabibigyan ng gobyerno ng pagkakataong magkaroon ng sarili nilang tahanan sa pamamagitan ng tuloy tuloy na pagpasa ng kanyang panukalang House Bill No. 3041 o ang “Underprivileged and Homeless Citizens Resettlement Act” (UHCRA) na kalaunan ay ginawang House Bill 082428.

Ani Aguinaldo na isang Chevening Scholar na nakakuha ng Master of Laws degree na may distinction mula sa Queen Mary University in London, dahil hindi umano malinaw ang isinasaad ng mga batas ukol sa pabahay para sa mahihirap at gayundin ang walang kaukulang impormasyon na nakakarating sa mga ito upang makakuha ng pabahay, ay  marami pa ring mga Pilipinong walang disenteng tahanan.

Ang Bahay Party-list ay may adbokasiya na nagsusulong ng maayos na uri ng pamumuhay para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng social empowerment, socialized housing, and well-integrated livelihood programs.

Ang HB 3140 ay aamyendahan ang ang isinasaad ng Republic Act No. 7279 o ang Urban Development and Housing Act of 1992 (UDHA) kung saan ang mga provisions nito ay hindi na naaangkop sa kasalukuyan kaya’t hindi nararamdaman ng mga mararalita upang sila ay mabiyayaan ng pabahay project ng gobyerno.

Ayon kay Aguinaldo na dating Department of Justice and Office of the President Undersecretary, ang UDHA sa loob ng 27 taon ay may mga gray areas and loophole provisions na hadlang upang ang maganda sanang batas na ito ay napakinaangan ng mga homeless na Pilipino. 

Naipasa na sa kongreso ang nasabing batas at nadala na ito sa Senado noong isang taon.

Ani Aguinaldo, kailangang manatili siya sa kongreso hanggang sa maipasa na ang kanyang panukalang batas na ito sa Senado at mapirmahan ng susunod na Pangulo para mapakinabangan ng maralitang Pilipino. 

Pangunahing isinusulong ng nasabing batas na bukod sa maabot at magkaroon ng tamang impormasyon ang mga walang bahay nating mga kababayan upang matulungan sila ng pamahalaan na mabigyan ng sariling tahanan ay itaas din ang kanilang dignidad sa pamamagitan ng pagkakaloob din sa kanila ng akmang hanapbuhay. 

“Maayos na bahay para sa mga nangangailangan at disenteng buhay para sa ating mga kababayan, lalo na sa mga informal settlers, (ISF),” ito ang hangad at isinusulong ng Bahay Party-list, paliwanag ni Aguinaldo.

Kailangan umanong i-update ang mga provisions ng UDHA alinsunod sa international standards and conventions, partikular ang tinutukoy ng United Nations na karapatan ng tao sa maayos at sapat na proyektong pabahay.

Si Aguinaldo na Top 10 sa bar exam noong 2009 ay member din ng Career Executive Service Board. Siya ay asawa ni Commission on Audit chairperson Michael Aguinaldo.

Si Atty. Nene Mercado Bainto ang 2nd Nominee ng nasabing party-list.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews