109 katutubong mag-aaral, nabenepisyuhan sa gift giving sa Gabaldon

LUNGSOD NG CABANATUAN — Nasa 109 kabataang katutubo sa bayan ng Gabaldon sa Nueva Ecija ang nabenepisyuhan sa gift giving activity at Brigada Eskwela 2022.

Ayon kay Army 91st Infantry Battalion Acting Commanding Officer Lieutenant Colonel Julito Recto Jr., ito ay sa pagtutulungan ng Philippine Science High School Batch 1981, Special Operations Command at ng hanay.

Nasa 109 kabataang katutubo sa bayan ng Gabaldon sa Nueva Ecija ang nabenepisyuhan sa gift giving activity at Brigada Eskwela 2022. (91st Infantry Battalion)

Sa kanilang bahagi aniya ay siniguro ng mga kasundaluhan ang seguridad sa mga pinagdausan ng aktibidad katulad sa Pindangan IP Elementary School, Mabaldog Elementary School, at Pagsanjan Elementary School.

Bukod sa seguridad ay tumulong din ang mga kasundaluhan sa distribusyon ng mga food pack at iba pang kagamitan gayundin sa pagbibigay ng libreng gupit sa mga estudyante at pamamahagi ng mga babasahin tungkol recruitment program para sa mga gustong maging sundalo at Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.

Kabilang sa mga ipinamahagi ang 109 pares ng tsinelas; face mask; mga gamot; 120 sakong bigas; 6 na kahong sardinas; 9 na kahong noodles; tig-tatlong galong toyo, suka, at patis; 3 kahong bagoong; 6 na watering cans; 54 kilong dilis; at 60 kilong tuyo.

Nagbigay din ng mga kagamitan sa pagsasaka at solar lamp sa mga nabanggit na paarala’t komunidad.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews