Dating rebelde, boluntaryong sumuko sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — Isang dating rebelde ang boluntaryong sumuko sa otoridad sa bayan ng San Rafael.

Si alias “Ka Cris” ay dating miyembro ng Guerilla Front Narciso, Platun Uno bilang medic na nag-ooperate sa mga lalawigan ng Rizal at Bulacan.

Ayon kay Acting Police Provincial Director PCol. Charlie Cabradilla, kasama sa pagsuko ang posesyon na isang kalibre ng baril, magazine at bala.

Si alias “Ka Cris” ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 2nd Provincial Mobile Force Company para sa kauukulang dokumentasyon at custodial debriefing report.

Ani Cabradilla, maigting anya ang kampanya ng kapulisan laban sa insurhensiya upang matiyak ang kapayapaan at katahimikan sa buong lalawigan.

Nais din nila na matiyak ang pagkakaloob ng mga serbisyong panlipunan, trabaho at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga komunidad na nakakaranas at mahina laban sa armadong pakikibaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com