Dead on arrival sa Bataan General Hospital (BGH) ang isang Barangay Kagawad makaraang saksakin ito pasado alas siete ng gabi ngayong Mierkoles sa Brgy. St. Francis 2, Limay, Bataan.
Sa inisyal na ulat ng Bataan PPO, kinilala ni Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco, ang biktimang si Kagawad Darwin Aboganda, 46 anyos, Kagawad at residente ng naturang Barangay.
Nabatid sa imbestigasyon na kagagaling lamang umano ni Kagawad Aboganda sa isang basketball game at habang naglalakad umano pauwi pagsapit sa madilim na bahagi ng Purok 3 ay sinaksak umano ito sa dibdib ng isang hindi pa nakilalang lalaki.
Dinala ito sa Limay Community Clinic para sa initial treatment bago inilipat sa BGH sa Balanga City at idineklarang DOA ng attending physician.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang krimen.