Social pension ng Hermosa seniors naipamahagi na

Labis ang tuwa at galak ng mga lolo at lola sa bayan ng Hermosa, Bataan dahil sa maagang naipamahagi ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang kanilang kumpletong social pension sa lahat ng mga senior citizens para sa 3rd quarter ng kasalukuyang taong 2022.

Ayon kay Mayor Inton, nasa kabuuang 889 ang senior citizens ang tumanggap na ng biyaya mula sa gobyerno na nagdulot sa kanila ng kagalakan.

Ayon sa mga nakasubaybay na Hermoseño, base sa mga programa ng Lipad Hermosa ng LGU ay sadyang nalipad na ng Bayan ng Hermosa mula sa liderato ng isang magaling na piloto ang tayog ng kanilang pangarap.

Ito ay hindi lamang sa maunlad na programang pang-inprastraktura , hanapbuhay at ekonomiya, kundi maging ng serbisyong panlipunan na handog sa lahat ng sektor ng lipunan.

Hindi nakaligtaan ang mga lolo at lola na siyang huling nabahaginan ng ayudang pinansiyal sa tulong ng Department of Social Welfare and Development at ng Sangguniang Bayan ng Hermosa.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews