Ang Olongapo City Maritime Police Station sa pangunguna ni PLT Mariel Cuizon kasama ang Bataan MARPSTA at Limay MPS ay nagsagawa ng manhunt operation kahapon Disyembre 19, 2022, bandang 5:30 ng hapon sa Riverside, Brgy. Lamao, Limay, Bataan na nagresulta sa pagkahuli ni William Bardaje y Olibo, 35 taong gulang, residente ng #059 Riverside, Brgy. Lamao, Limay, Bataan.
Ang suspek ay mayroong standing Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case No.041-12 dahil sa paglabag sa Sec 88 par. 4 ng R.A 8550 (The Philippine Fisheries Code of 1998) na inisyu ni Hon. ROEL G SAMONTE, Presiding Judge ng MTC Third Judicial Region, Subic, Zambales na may petsang Marso 20, 2013.
Bago ang pag-aresto, nagsagawa ng beripikasyon ang mga tauhan ng Olongapo City MARPSTA sa pamamagitan ng pagpapakita ng mugshot na larawan ni Jayson Espinosa Paguio na naaresto noong Agosto 13, 2012 dahil sa nabanggit na paglabag, kung saan kinilala ng impormante na isang Jason Pagiuo y Insepido ang akusado na si William Bardaje y Olibo at kinumpirma ito ng Brgy Official ng Brgy Lamao, Limay, Bataan.
Ang naarestong akusado ay dinala sa Olongapo City MARPSTA para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon bago i-turn over sa court of origin kasama na ang affidavit of correction ng mga arresting officer para maitama ang mga dokumento na nauukol sa tunay na pagkakakilanlan ng akusado.