270 days suspension ipinataw laban sa Barangay Kapitan ng Hermosa, Bataan

Guilty sa mga kasong Grave Misconduct, Abuse of Authority at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Ito ang naging hatol ng Sangguniang Bayan ng Hermosa laban kay Barangay Sumalo Punong Barangay Rolando “Rolly” Martinez kaugnay sa naging mga reklamo ng KABISIGKA Sumalo, isang grupo ng kababaihan sa nabanggit na barangay kaugnay ng anila’y paniningil ng butaw ni Martinez kapalit ng pagiging beneficiary anila sa CARP coverage sa isang disputed land dito.

Si PB Martinez ay sinuspinde ng 90 days without pay sa kasong grave misconduct, 90 days without pay sa abuse of authority at 90 days without pay sa conduct prejudicial to the best interest of service.

Naiserve nitong Martes, January 3, 2023, ng hapon ang suspension order na pirmado ni Hermosa Mayor Jopet Inton base sa naging rekomendasyon ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Hermosa. 

Wala si Brgy. Kap. Martinez nang i-serve ang suspension order at tanging barangay treasurer ang humarap sa LGU personnel. 

Bukod dito sa mga kasong administratibo ay inireklamo at sinampahan din ng kasong kriminal (Syndicated Estafa) si PB Martinez at 8 iba pa, bukod pa sa iba pang mga kaso sa Ombudsman na isinampa laban sa kanya.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews