May 61 persons who use drugs o PWUDs ang tumanggap ng kanilang training certificate mula sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa barangay Pamatawan sa bayan ng Subic.
Ayon kay TESDA Provincial Training Center-Iba Administrator Eugene Peñaranda, tinanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang training certificate sa Orientation and Awareness in Driving Rules and Regulations matapos ang tatlong araw na pagsasanay.
Ito ay sa ilalim ng community-based training program na naglalayong paghusayin ang produktibidad ng mga mamamayan sa pamamagitan ng produktibong kabuhayan at self-employment.
Tinalakay sa pagsasanay ang mga pangunahing kaalaman, mga tuntunin at regulasyon sa pagmamaneho.
Nilalayon rin aniya ito na suportahan ang recovery and wellness program ng kapulisan para sa mga drug dependent upang sila ay muling makabalik sa komunidad at magbagong buhay. (CLJD/RGP PIA-3)