DOT nagsagawa ng FBSE Training sa San Marcelino

IBA, Zambales — Nasa 60 ang lumahok sa idinaos na Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Training ng Department of Tourism (DOT) sa San Marcelino, Zambales.

Kabilang sa nakibahagi ang mga kawani ng Municipal Tourism Office; mga estudyante ng President Ramon Magsaysay State University-San Marcelino Campus at GIS Institute of Technology Phils, Inc.-Zambales; at kinatawan ng mga business establishments, restaurants, resorts, catering services, trail guides, at barangay.

Ayon kay DOT-accredited Trainer Gil Tesoro Regondola, layunin ng FBSE Training na bigyang kaalaman at sanayin ang mga kalahok sa tamang pamamaraan ng pakikitungo at pag-asikaso sa mga bisita o turista.

Kaugnay nito, ikinampanya rin ng DOT na gamitin sa bayan ng San Marcelino at buong bansa ang “Mabuhay” gesture bilang signature oral expression ng Pilipinas.

Nagpasalamat naman si Mayor Elmer Soria sa DOT sa pagsasakatuparan ng nasabing pagsasanay.

Kabilang sa mga tinalakay ang Filipino Values and Service Excellence, Understanding the Customer, Delivering Great Service Excellence at Service Recovery. 

Binigyan tuon din sa pagsasanay ang kahalagahan ng 7M’s of Filipino Core Values na binubuo ng Maka-Diyos, Makatao, Maka-Kalikasan, Makabansa, Masayahin, May Bayanihan at May Pag-asa. (CLJD/RGP-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews