CITY OF MALOLOS – Dahil sa walang tigil sa kaniyang mga official schedules ay nakaranas si Bulacan Governor Daniel R. Fernando ng sobrag pagkahapo at dehydration kamakailan na naging sanhi ng pagkawala ng kaniyang boses.
Nabatid na sa nakalipas na ilang linggo, si Fernando ay aktibong isinasagawa ang kaniyang daily relief operations sa ibat-ibang lugar sa lalawigan para maghatid ng munting pangangailangan ng kaniyang nasasakupan na lubhang naapektuhan ng bagyo at habagat.
Noong Lunes, Setyembre 11, 2023 sa isang LGBT event sa Bulacan Capitol Gymnasium na dinaluhan ni Fernando nang oras na ngkaniyang talumpati ay hindi ito nakapagsalita sa di mabatid na kadahilanan at agad siyang dinala sa ospital.
Siya ay isinugod sa ospital kung saan ayon sa kaniyang cardiologist na si Dr. Berwyn Flores, kinumpirma nito na ang dahilan ng irregular gestures ng gobernador sa nasabing event ay “exhaustion, over fatigue and dehydration.”
Nabatid na sa mga nagdaang mga linggo ay na-overworked, fatigued and exhaustions si Fernando mula pa nang magsimula ang pagbaha sa lalawigan na pinupuntahan nito para maghatid ng ayuda o food packs na nasabayan pa ng selebrasyon ng Singkaban Festival.
Nagpasalamat naman si Fernando sa mga bumati, nag-alala, nagdasal at nagpadala ng mensahe mula sa pamilya, kaibigan, fellow public servants at Bulacan citizens.
Sasailalim sa mga medical work ups ang gobernador para masiguro ang kaniyang overall good health.
“The governor is able to carry out his public duties “without disruption” and is expected to come back in full swing after a few days of adequate rest,” ayon kay Dr. Berwyn Flores.