Marcos, Villanueva nanguna sa pamamahagi ng AICS aid sa 13,500 Bulakenyos

Pinangunahan nina Sen. Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos at Sen. Joel Villanueva ang distribusyon ng cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 13,500 Bulakenyo nitong Huwebes, Oktubre 19, 2023.

Binisita ni Marcos ang mga bayan ng San Miguel, Bustos at City of San Jose Del Monte (CSJDM) para isagawa ang pamamahagi kasama ang DSWD personnel at mga local officials sa mga nasabing lugar.

Una nitong binista ang bayan ng San Miguel sa municipal covered court kung saan nasa inisyal na 500 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) rito ang tumanggap ng P3,000 each.

Sumunod ay tinungo nito ang Bustos Gymnasium sa bayan ng Bustos at kasama si Mayor Francis Albert Juan ay isinagawa rin ang AICS payout para sa 1,000 benepisyaryo ng nasabi ring halaga.

Agad naman dumeretso si Sen. Marcos sa San Jose Del Monte Sports Complex at nasa 2,000 estudyante ng Bulacan State University-CSJDM Campus ang nabiyayaan ng tig-5,000 cash assistance.

Namigay din si Marcos ng computer sets sa mga university organizations dito.

Samantala, nasa 10,000 Bocaueno naman ang tumanggap ng P3,000 cash assistance mula sa AICS program ng DSWD sa tulong ni Senator Villanueva.

katuwang para maisakatuparan ang nasabing AICS payout ay ang Bocaue LGU sa pangunguna nina Mayor Eduardo Villanueva Jr. at Vice Mayor Sherwin N. Tugna.

Ang nasabing DSWD’s AICS payout activity na isinagawa sa Municipal Covered Court of Bocaue ay sa pakikipagtulungan din ni Rep. Bro Eddie Villanueva ng Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party List na kung saan ang mga beneficiaries ay mula sa 19 na barangays.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews