Pinangunahan ng mga lokal na opisyal sa Bataan ang groundbreaking and time capsule laying ceremonies para sa pagtatayo ng Phase 2 ng 1Bataan Village sa Brgy. Daan Pare, Orion, Bataan, nitong Mierkoles.
Ayon kay Bataan Governor Joet Garcia, tatlong residential towers na may dalawang 16-palapag at isang 21-palapag na residential building na may kabuuang 1,500 units ang itatayo sa tulong ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pangunguna ni Sec. Jerry Acuzar at ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) na pinangungunahan ni President and CEO Federico Laxa.
Nagpasalamat kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos si Governor Garcia sa proyektong ito dahil aniya sa nabibilang sa kanyang priority programs at naayon sa kanilang layunin para sa pagtataguyod ng matatag na pamilyang Bataeño.
Nakasama ni Gov. Joet sina Vice Governor Cris Garcia, Bataan 2nd District Rep. Abet Garcia, DHSUD Assistant Secretary Hanica Rachel Arshia Ong, Orion Mayor Tonypep Raymundo, at ang mga kinatawan ng Bataan Human Settlement Office (Bhso Pgo), Homeowners Association, Architect Henry Mayuga, at ng Social Housing Finance Corporation.
3 attachments