Just in! Pahayag ni Porac Mayor Jaime ‘Jing’ Capil ukol sa suspension na ipinataw sa kanya at mga kasama ng Ombudsman

PARA PO SA KAALAMAN

Ibinabahagi po namin sa inyo ang pagpataw sa amin ng preventive suspension ng Tanggapan ng Ombudsman, petsang Oktubre 7, 2024.

Kinikilala namin na ito ay kapangyarihan ng Ombudsman. Ngunit hindi po ito nangangahulugang kami ay nagkasala. Buo ang aming tiwala sa katarungan ng batas, at kami ay gagawa ng mga kaukulang hakbang upang linisin ang aming pangalan.

Sa kabila ng mga pagsubok na aming hinaharap nitong mga nakaraang buwan, patuloy kaming maglilingkod nang tapat at buong puso sa mga mamamayan ng Porac. Layunin din naming hindi lamang linisin ang aming pangalan kundi pati na rin itaas ang dangal ng Porac na naapektuhan ng isyung ito.

Asahan niyo po na patuloy po akong maninilbihan bilang Ama ng Bayan bagkus nasasaktan at napipilayan upang ibigay pa rin sa inyo ang serbisyong naramdaman ninyo mula pa nung ako ay nanungkulan.

May tiwala ako sa Batas, may tiwala ako sa Katotohanan, at may tiwala ako sa Diyos. Gaya ng lahat ng pinagdaanan ko, makakaraos din tayo dito at kalaunan ay magiging panatag ang lahat.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at pang-unawa.

Maraming salamat po.

– Mayor Jaime “Jing” V. Capil

Municipality of Porac

Pampanga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews