HANDANG-handa na ang local na ang local government unit (LGU) at ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) para sa December 17 Plebiscite upang ang bayan ng Baliwag ay maging isa nang component city.
Ang NAMFREL ang siyang accredited citizens’ arm ng Commission on Election (COMELEC) para sa gaganaping plebesito sa bayan ng Baliwag.
Nabatid na nag-deploy na ang NAMFREL ng limang miyembro ng Election Expert Mission (EEM) sa nasabing gaganaping plebesito na siyang titingin sa mga kaganapan at mga alituntuning ipatutupad sa araw ng plebesito.
Ang NAMFREL EEM team ay dumating sa bayan ng Baliwag nitong Huwebes kung saan ay agad nitong sisimulan ang obserbasyon sa naturang plebiscite activities.
Kabilang sa mga ipinadalang EEM team ay sina NAMFREL National Chairperson Angel Averia, Jr. (Lito Averia), NAMFREL Secretary General Eric Jude Alvia, and NAMFREL National Council Members Corazon Ignacio, Maria Corazon Akol, at Fernando Contreras Jr.
Kasama nilang mag-o-obserba ang mga miyembro ng NAMFREL National Secretariat Team at iba pang mga volunteers.Ang plebesito ay sisimulan ng alas-7a.m. hanggang 3 p.m. sa lahat ng mga presinto sa 27 mga barangay.Ang batas na Republic Act (RA) 11929, An Act Converting the Municipality of Baliwag in the Province of Bulacan into a component city na tatawaging City of Baliwag ay naisabatas noong nakaraang buwan ng July.Ang panukalang batas ay ipinasa sa Kongreso ni Bulacan Second District Rep. Gavini “Apol” Pancho noong 2021.
Ayon kay Mayor Ferdie Estrella, ang bayan ng Baliwag ay mayroong 168,470 population at 107,000 registered voters kung saan umaasa siya na makukuha ang “yes,” votes para makuha ang 90—95%.
“What we are after is the further developments through projects and programs we could have in Baliwag because of bigger share we will get in the national government as a city because we deserve it,” ani Estrella.
Ang cityhood conversion processes ay pinondohan ng munisipyo para sa naturang plebesito na nasa P24-Million.