LUNGSOD NG MALOLOS — Idineklara ng Malakanyang bilang Special Non-Working Day ang Agosto 15, Huwebes, sa buong lalawigan ng Bulacan.
Ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga residente na ipagdiwang ang ika-441 taong pagkakatatag ng lalawigan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na sa makasaysayang araw ding ito magsisimula ang 2019 Singkaban Festival na nagtatampok sa mayaman at makulay na kultura, sining at kasaysayan ng Bulacan.
Base sa pananaliksik, ang Bulacan ay naitatag bilang probinsya noong Agosto 15, 1578.