Alcoholic drinks nasabat sa Mariveles

Muli na namang nakahuli ang Public Safety Office ng isang delivery closed van na naglalaman ng kilalang brand ng alcoholic beverages sa control checkpoint area sa Barangay Batangas Dos, Mariveles, Bataan, Linggo ng umaga. 

Sa inisyal na ulat, umabot sa 70 cases ng San Mig Light at 5 kahon ng Alfonso Lights Brandy ang nasabat ng mga otoridad sa loob ng Puregold delivery closed van. 

Sa kasalukuyan ay ipinaiiral sa Bataan ang liquor ban kung saan ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili, at pag-inom ng mga alcoholic drinks sa mga pampublikong lugar.

Kamakailan ay nakumpiska rin dito, lulan naman ng isang school service van, ang kahun kahon ng kilalang brand ng gin.