Ama tinaga ng sariling anak, patay sa Bataan

Patay ang isang 59 anyos na ama matapos umanong tagain at pagsasaksakin ng sariling anak sa Pastulan Village, Barangay Tipo, Hermosa, Bataan nitong Sabado ng madaling araw (March 27, 2020).

Sa inisyal na ulat mula sa Hermosa Police, kinilala ni chief of police, Police Major Jeffrey Onde ang biktimang si Danilo Abraham, residente ng naturang lugar.

Ang suspek ay ang mismong anak nito na si Erwin Abraham, 25 anyos, nakatira rin sa nabanggit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng Hermosa MPS, natagpuan ng mga otoridad ang biktima sa tahanan nito na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Nabatid na ang may sala nito ay ang sarili nitong anak na sumasailalim sa “psychiatric medication” sa Olongapo City.

Ang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Hermosa MPS.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews