Naniniwala si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial na ang mga atleta lalo na ang mga personalidad sa basketball na tumatakbo para sa isang mahalagang posisyon sa Mayo 2019 election ay maaaring maging kabilang sa mga pinakamahusay na lider ng pamahalaan dahil sa kanilang likas na disiplina, matinding kalooban at determinasyon.
Ito ang pananaw ni Comm. Marcial sa panayam sa isang press conference kahapon (Huwebes) ng isasagawang out of town game na tinaguriang “Laban ng Norte” sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Barangay Ginebra San Miguel na ginanap sa Apu Authentic Restaurant sa Angeles City sa Pampanga.Ang laro ay gaganapin sa ika-5 ng hapon sa Sabado ( March 23) sa Angeles University Foundation Arena.
Sinabi ni Marcial hindi lamang ang mga manlalaro ng basketball ngunit ang lahat ng mga atleta ay maaaring maging mas mahusay na pampublikong opisyal upang maglingkod sa mga tao at komunidad.
“Kahit hindi basketbolista, basta athleta, iba ang pananaw para sa kaayusan ng komunidad at ng kanyang kapwa tao, sa likas na katangian dahil hindi sila pulitiko, iba ang paglilingkod nila sa tao.
Napagtutuunan nila, mataas ang antas ng disiplina at may matinding kalooban kung alam nila ang pagsasagawa, “sabi ng Komisyoner.
Kabilang sa mga atleta na kanyang inihalimbawa ay ang dating manlalaro ng PBA na si Vergel Meneses na kilala rin bilang “The Areal Voyager” na nagsimula sa kanyang karera bilang propesyonal na manlalaro ng basketball at naging bantog noong 1990 hanggang sa siya ay nagretiro noong 2006.
Si Meneses ay tatakbo bilang mayor sa bayan ng Bulakan sa ilalim ng PDP Laban Party kung saan makakatunggali niya ang kaniyang pinsan na si Municipal Councilor Piccolo Meneses, ang nakababatang kapatid ng last termer na si Mayor Patrick Meneses.
Ang Meneses sa bayan ng Bulakan ay nagmula sa angkan ng mayayamang fishpond owner sa bayang nabanggit na naging mga lokal na tagapaglingkod ng publiko at minahal at tinangkilik ng mga tao rito.Si dating Pampanga Vice Governor Guiao naman ay tumatakbo bilang kinatawan ng unang distrito ng Pampanga na head coach naman ng North Luzon Expressway (NLEX) Road Warriors.
Sinabi ni Marcial maliban sa dalawa, mayroon ding iba pang mga PBA perosnalies na tumatakbo din sa darating na May elections.
Sinabi ni Guiao na nakapapagod ang mga out of town games ngunit ipinangako nito gaya rin ni GSM head coach Tim Cone na bibigyan nila ng pinakamagandang laban ang kanilang paghaharap upang mapasaya ang kaniyang mga kababayan sa lalawigan ng Pampanga dahil malapit ang mga ito sa kanilang puso.