Ayuda mula sa AFAB nilagdaan

Isang Memorandum of Agreement ang pinirmahan ngayon sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan na kinatawan ni Gobernador Abet Garcia at ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa pamamagitan ni Administrator Emmanuel Pineda ngayong ika-23 ng Marso sa The Bunker at the Capitol.

— Photo from AFAB Media Affairs

Nakasaad sa MOA ang pagbibigay ng AFAB ng 3 milyong pisong tulong pinansyal sa probinsya upang magamit sa pagbili ng mga kinakailangang kagamitan sa laban kontra COVID-19.

— Photo from AFAB Media Affairs

Kabilang din sa mabibiyayaan sa ayuda ang mga manggagawang naapektuhan ng ECQ, kung saan uunahin ang mga trabahador ng FAB na napapabilang s‘No Work, No Pay’ policy.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews