Babaeng sales agent patay sa riding-in-tandem sa Bataan

 30 

Patay ang isang sales agent broker sa naganap na shooting incident kagabi sa Brgy. Upper Bilolo, Orion, Bataan.

Sa inisyal na report mula sa Orion Police, kinilala ang biktimang si Ruth Rafa y Perello, 52 anyos, nakatira sa NPR Subd. Upper Bilolo, Orion, Bataan.

Nabatid sa pangunang imbestigasyon ng pulisya na ang mga salarin ay dalawang lalaki lulan ng isang single motorcycle na mabilis na tumakas matapos pagbabarilin ang biktima habang nakaupo sa terrace ng kanyang tahanan hawak ang kanyang smartphone.

Nakuha sa crime scene ang ilang piraso ng spent shells mula sa Caliber .45 pistol na ginamit ng gunman.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa krimen.