Backrider patay sa self-accident sa Abucay, Bataan

 38 

Patay ang isang babaeng motorcycle backrider habang sugatan ang rider sa naganap na self-accident sa Roman Expressway, Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan, Linggo ng umaga, Abril 11.

Ayon sa ulat mula kay Police Major Leopoldo Estorque Jr., chief of police ng Abucay PNP, kinilala ang biktimang namatay na si Jamica Lozano, 25 anyos, single, production operator, nakatira sa Brgy. Cabalan, Olongapo City.

Sugatan naman si Eduard Hernandez, 32, driver ng motorsiklo, nakatira din sa Cabalan, Olongapo City.

Base sa imbestigasyon ng Abucay Police, nangyari ang insidente ganap na 6:30 ng Linggo ng umaga lulan ng Honda Click Motorcycle na walang plate number ang mga biktima at patungo sana sa direksyon ng Balanga City nang magswerved umano sa shoulder ng nabanggit na highway, at bumangga ang motorsiklo sa steel barrier na nagresulta sa agarang kamatayan ng biktima.

Kaagad na nagresponde ang MBDA Medic Team at dinala ang mga biktima sa Bataan General Hospital.