Bagong CRK terminal sa 2019

Sa ilalim ng nakaraang administrasyon ni dating President Benigno Aquino III, ang pagunlad ng paliparang Clark International Airport ay pinagwalang bahala sa kabila ng mga kakulangan ng modernong infrastructure na magtataguyod sa ikauunlad ng bansa.

Kahapon, nakapanayam ng DOBLE VISTA si Bases Conversion Development Authority President and Chief Executive Officer Vivencio Dizon, isang anak ng Pampanga na magtataguyod sa mga mithiin ng mga Kapampangan.

Ayon kay Dizon, ang BCDA ay naka focus ng mariin sa mga flagship projects ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng lima at kalahating taon pa na paninilbihan nito.

Para sa kaalaman ng ating mga magbabasa sa palimbagang online news na Orbit, hindi lamang puro extra judicial killings ang nangyayari sa ating bansa. Nakatuon ang pansin ng administrasyong Duterte sa infrastructure developments ng bansa.

Naniniwala si Presidente Duterte na ang pag asenso ng bansa ay nakasalalay sa mga pangunahing infrastructure projects na gagawin ng Malacanang sa pamumuno ng BCDA at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Sa lahat ng mga prohekto na nabanggit ni Dizon, ang Clark International Airport ang pinakamalapit sa aming puso. Ilang taon na ang lumipas at tila napag iwanan na ang Clark airport. Nabuhayan kami ng pagasa sa pagkaupo ni Presidente Duterte sapagkat nabigyan ng pansin ang dating paliparan ng mga Amerikano.

Napakasakit isipin na ang katulad ni dating Presidente Aquino na taga Tarlac ay nawalan ng imanihasyon at lideratura sa ikauunlad ng Clark airport. Isang taga Davao City pa ang magtutulak para sa pagunlad ng tila walang kabuhay buhay na paliparan.

Ayon kay Dizon, ang pinaka modernong paliparan sa Pilipinas ay bubuksan sa 2019 – at ito ay ang Clark International Airport New Passenger Terminal na dinisenyo ng Aeroport de Paris sa bansang France.

Ilang ulit ding ibinasura ang disenyo ng mga Pranses sapagkat napakalaki daw nito ayon sa dating Secretary ng DOTC. Maliban sa Clark airport, kami ay nagbubunyi sa pagpapatuloy ng Manila-Clark Railway Project at ng Clark-Subic Cargo Railway.

Mabuhay ka Ginoong Dizon! Binigyan mo ng pagasa ang mga residente hindi lamang ng Pampanga kundi ng Central Luzon at buong sambayananag Pilipino.

(Deng Pangilinan is the president of the Pampanga Press Club. His column – DOBLE VISTA – will come out once a week.)

Archives

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews