Bagong PNP Regional Director sa Gitnang Luzon naupo na

Naupo na si PBGen. Matthew Baccay bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office 3 o PRO 3.

Kanyang pinalitan PBGen. Valeriano De Leon na itinalaga bilang bagong Direktor ng Civil Security Group.

Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang isinagawang Change of Command Ceremony ngayong Lunes sa Camp Olivas.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Baccay ang mga kapulisan sa Gitnang Luzon na ipagpatuloy ang pagtupad sa sinumpaang tungkulin sa kabila ng bagong normal na dala ng pandemya sa COVID-19.

Aniya, malapit na ang Kapaskuhan at siguradong tataas na naman ang crimes against properties. Sasabayan din ito ng preparasyon para sa Halalan 2022 kaya inatasan niya ang mga nasasakupang kapulisan na maging handa.

Tiniyak din niya kay Eleazar na ang PRO 3 ay istriktong susunod sa ipinatutupad na Intensified Cleanliness Policy kung saan ang kanyang marching order ay gantimpalaan ang mabuting gawa at parusahan ang masama.

Si Baccay ay miyembro ng Philippine Military Academy Tanglaw-Diwa Class of 1992. 

Bago maging pinuno ng PRO 3, siya ay nagsilbing District Director ng Eastern Police District sa National Capital Region.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews