Balik-Eskwela Diskwento Caravan sa Bulacan kumita ng P1.2M

LUNGSOD NG MALOLOS — Kumita ng 1.2 milyong piso ang kakatapos na Balik-Eskwela Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry o DTI sa Bulacan.

Ayon kay DTI Provincial Director Zorina Aldana, kumita ng 1.1 milyong piso ang May 24-25 stop sa lungsod ng San Jose Del Monte habang 100,000 piso sa May 28 visit sa lungsod ng Malolos.

Layunin ng Diskwento Caravan na magbigay ayuda sa mga minimum wage earners na makabili ng mga basic and prime commodities sa napakamurang halaga.

May kabuuang 41 manufacturers at distributors mula Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya at Metro Manila na nakibahagi kung saan nag-alok sila ng mula 5 hanggang 50 porsyentong diskwento at freebies sa mga mamimili.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews