Banggaan ng 2 motorsiklo, isa patay

Dead on arrival sa ospital ang isang motorcycle rider matapos magkasalpukan ang dalawang motorsiklo sa Olongapo-Gapan Road, sakop ng Brgy. Pinulot, Dinalupihan, Bataan, Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat mula kay Dinalupihan Police chief, Police Lt. Col. Emelito Dela Cruz, kinilala ang biktimang namatay na si Michael Villares, 32 anyos, taga Barangay Happy, Valley, Dinalupihan, Bataan habang sugatan naman ang isa pang motorcycle rider ba si Jeffrey Amor, 29 anyos taga Barangay San Pablo, Dinalupihan, Bataan.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng PNP na kapwa lulan ng kani-kanilang motorsiklo (Rusi motorcycle kay Villares at Yamaha Mio kay Amor) ang dalawang biktima nang aksidente umanong magkabanggaan (head-on collision) sa madilim umanong bahagi ng nabanggit na national road.

Isinugod ang mga biktima ng mga nagrespondeng rescue teams at MBDA sa Dinalupihan District Hospital at naideklarang DOA si Villares ng attending physician na si Dr. Ronquillo.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews