Bataan POO nakamit 3 unit awards sa PNP PCR

 64 

Nakatanggap ng tatlong unit awards ang Bataan Police Provincial Office sa katatapos na awarding ceremony ng 27th Police Community Relations (PCR) Month Celebration sa Police Regional Office 3 sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga.

Gamit ang temang: “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan,” naging ng aktibidad ang pagtatanghal ng mga parangal ng pagkilala sa mga karapat-dapat na yunit/tauhan sa kapulisan ng Central Luzon.

Ang Bataan PPO ay gumawa ng kahanga-hangang tagumpay sa pamamagitan ng pagkamit ng mga parangal kagaya ng Outsanding Municipal Police Station na nakuha ng Hermosa MPS sa pamumuno ni Police Major Emerson Coballes; Outstanding Provincial Mobile Force Company na nakuha ng Bataan First Provincial Mobile Force sa pamumuno ng kanilang Force Commander na si Police Lt. Col. Elias Tait; at ang parangal na Outstanding Police Provincial Office na nakamit naman ng Bataan Police Provincial Office sa pamumuno Police Col. Romell A. Velasco, acting Provincial Director.

Ang mga pagkilalang ito ay nagpapakita lamang na ang Bataan PPO at lahat ng mga tauhan nito, sa pamamagitan ng malakas at patuloy na pakikipagtulungan sa lahat ng mga kasangga nito, ay ginawang tunay na epektibo ang mga aktibidad ng Police Community Relations sa pagkuha ng tiwala ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.