Bataan walang naitalang bagong kado ng COVID-19 sa loob ng 3 araw

Ito ang naging good news nitong Mierkoles ng gabi ni Bataan Governor Abet Garcia.

Sa latest update ng Bataan Provincial Health Office ay labing lima (15) pa rin ang nakarecover na at apat (4) ang pumanaw sa 81 kumpirmadong kaso.

Samantala, 591 ang naghihintay ng resulta at 444 na ang NEGATIBO.
Dagdag pa ni Governor Garcia, mula sa kauna-unahang Patient Under Investigation sa  probinsya noong January 31, hanggang sa kasalukuyan ay mayroon na aniyang 1,116 na na-test sa ating probinsya. 

“Muli, manatili lamang po ang lahat sa kanilang mga tahanan at ibayong pag-iingat pa rin po upang hindi na dumami pa ang kaso sa ating Lalawigan,” pakiusap ng Gobernador.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews