LUNGSOD NG TARLAC — Pormal nang ipinakita ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command o NOLCOM sa publiko ang Bayanihan Mural na nasa loob ng Camp Servillano Aquino.
Sa isang pahayag, sinabi ng NOLCOM na ipinapakita nito ang maraming makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
Binigyang-diin din ng NOLCOM ang halaga ng Bayanihan kung saan magsisilbi itong walang katapusang paalala at mensahe para sa mga susunod na henerasyon.
Ang mga pintor ng nasabing mural ay sina Wiljun Magsino, Amadeo Cristobal, Mark Garcia, at Wil Joseph Magsino. –Cherie Joyce V. Flores