BFAR, Namagi ng commercial boats sa mga mangingisda sa Masinloc

MASINLOC, Zambales — Namahagi ng  commercial boats ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR  sa mga mangingisda ng Masinloc, Zambales. 

Ang mga Fiberglass Reinforced Plastic o FRP boat na may iba’t -ibang laki ay nagkakahalaga ng sampung milyon piso.

Ayon kay BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, ang mga naturang bangka ay kumpleto sa pyesa,, de makina, at kayang pumalaot ng hanggang mahigit 15 kilometro.

Bukod pa rito, inaasahan din aniya na kakayanin ng mga bangkang ito na pumalaot partikular sa Bajo de Masinloc at maragdagan ang mga huling isda ng mga namamalakaya sa West Philippine Sea. 

Ipinamahagi sa mga grupo ng mangingisda na binubuo ng anim hanggang walong indibidwal bawat isa ang sampung mother boats na isang 38-footer fishing vessel.

Bawat set ay may kalakip na anim na de makinang pakura o 16-footer na FRP catcher boat. 

Ang isinagawang pamamahagi ay sa ilalim ng programang F/B Pagbabago ng BFAR na may layuning mapabuti ang kabuhayan ng mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga matibay na bangkang pangisda. 

Samantala, nasa 70 na bangka ang naipamahagi sa mga natukoy na benepisyaryo.  –Reia G. Pabelonia

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews