Bisita Bayan’ ng Kapitolyo, sinimulan sa Hermosa

Sinimulan ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan ang programa nitong “Bisita Bayan, Serbisyo ay Diretso sa inyo” sa Hermosa.

Layunin nito na ilapit ang mga serbisyo ng Kapitolyo sa mga munisipalidad partikular ang edukasyon, kaunlaran, at kalusugan.

Ayon kay Gobernador Jose Enrique Garcia III, hangad din nito na makita ang sitwasyon at pangangailangan ng mga bayan.

Kada buwan ay may bayan na bibisitahin si Gobernador Garcia kasama ang mga Department Heads at piling empleyado.

Kabilang sa mga dadalhin ng Kapitolyo sa mga bayan ang “Fiber to Home” na layuning mabigyan ng libreng internet connection ang humigit kumulang 100,000 estudyante sa senior high school sa kanilang mga bahay.

Ilalapit din ang Palengke QR o ang pagsulong ng digital payments sa mga establisyemento upang mapabilis at mapagaan ang mga online transactions at payments sa lalawigan.

At panghuli, ang mga serbisyong pangkalusugan tulad ng Hataw Takbo Bataan, Healthy School Settings, at Matatag na Pamilyang Bataeño. (CLJD/CASB-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews